FAQs (PH)

Frequently Asked Questions

Para sa English version ng page na ito. Puwede kayong pumunta rito

Tuition Installment Plan

  • Ano ang installment plan?
    • Ang installment plan ay isang paraan para mas magaan sa bulsa sa pambayad ng mga mamamahalin na bagay. Sa installment plan, kailangan lang magbayad ng tingi tii sa loob ng isang agreed period (normally may interest). Ito ay isang alternatibo sa pambayad ng mga mobile phones, appliances, at bahay para mas manageable sa expenses.
  • Ano ang Bukas Tuition Installment Plan?
    • Ang Bukas Installment Plan ay isang alternatibong pambayad ng tuition fee. Kaya itong magcover ng up to 100% ng tuition. Sa ngayon, mayroon kaming 12 month payment plan na may 1.5% interest kada buwan at isang one-time charged 3% service fee.
  • Paano gumagana ang Bukas Tuition Installment Plan?
    • Para sa madaling enrollment, diretso ang aming pagbayad sa partner school kung na-approba ang iyong application. Magbabayad ka na lang kada-buwan sa Bukas.
  • Ano ang mga programa kasama sa Bukas Tuition Installment Plan?
    • Kahit freshman, undergrad, o balak mong mag-graduate studies (katulad ng Masters, Doctorate, Law at Medicine) sa mga partner schools namin, pwede kang mag-apply!
  • Kasama po ba ang High School at Senior High School?
    • Sa ngayon, hindi kasama ang Basic Education, High School, at Senior High School sa aming payment plans

Pag-apply sa Bukas Tuition Installment Plan

  • Ano ang mga requirements para maging isang Bukas borrower?
    • 1. Isang estudyante na 18 years old at pataas na nag-aaral sa isang partner school ng Bukas. Ang aming partner schools ay Mapua University Manila, Mapua University Makati, LPU Manila, LPU Makati, Jose Rizal University, Far Eastern University Manila, Far Eastern University Makati, FEU Tech, Emilio Aguinaldo College, Our Lady of Fatima University Valenzuela, Our Lady of Fatima University Quezon City, Our Lady of Fatima University Antipolo, at National Teachers College.

      2. Isang Filipino citizen
  • Paano mag-apply para sa tuition installment plan?
    • 1. Gumawa ng account sa app.bukas.ph/register at i-fill up ang iyong profile
      2. Sagutan ang application form. Puwede niyong tingnan ang Initial Computation (dito makikita ang maaring bayaran kada buwan, pero pwede pa itong magbago depende sa maaaprubahan na final amount) bago ituloy ang application
      3. I-upload ang iyong selfie with ID at Tuition Form
      4. I-submit ang iyong application at maghintay ng email upang ikumpirma ang aming pagtanggap nito
      5. I-confirm ang iyong agreement
      6. Maghintay na makakuha ng SMS na nagcoconfirm na nadisburse na namin ang approved amount sa school

      Para mag-reflect ang amount sa iyong student portal, maaaring maghintay kayo ng 2-3 business days. Ngunit, puwede niyong ipakita ang iyong disbursemet SMS at kontrata sa Cashier's Office bilang proof of payment.
  • Ano ang mga fees na sakop sa Bukas Tuition Installment Plan?
    • Lahat ng bayarin na kasama sa tuition mo ay maari naming bayaran. Kasama na dito ang presyo kada unit, miscellaneous fees at iba pa na kasama sa iyong school tuition statement.
  • Ano ang mga dokumento na kailangan para mag-apply?
    • School ID
      School billing / tuition at school fees assessment.
  • Wala akong school ID, anong puwede kong i-submit?
    • Kahit anong government-issued ID with picture ay puwedeng gamitin. Para sa listahan ng valid IDs pumunta rito
  • Patapos na ang sem at may mga due pa ako sa kasalukuyang Bukas Tuition Installment Plan. Puwede pa rin ba ako mag apply para sa susunod na term?
    • Puwede kayong mag-apply ulit pero ang approved amount or approval ay depende sa assessment ng aming Credit Risk Team.
  • Gaano katagal mag-apply?
    • Maghintay lang tayo ng 1-2 business days para makareceive kayo ng updates sa status ng iyong application. Kung na-approve ang iyong application at nagconfirm na kayo na sumasang-ayon kayo sa aming terms, ididisburse namin ang account sa loob ng 1-2 business days. Kapag nakuha ninyo ang SMS na nadisburse na ang amount, magrereflect siya sa iyong student portal sa loob ng 2-3 business days.

      I-note lang po na ang business days namin ay Monday - Friday, di kasama ang weekend pata official holidays, mula 9 AM hanggang 5 PM

Pagbabayad sa Tuition Installment Plan

Para sa step-by-step instructions tungkol sa pagbabayad ng Tuition Installment Plan, punta kayo rito

  • Magkano ang interest rate?
    • Ang aming interest rate ay 1.5% kada buwan at maari itong bayaran sa loob ng 12 na buwan. Mayroon din kaming isang one-time origination (service) fee na 3% na nakadagdag sa principal amount. Halimbawa, kung ang iyong principal amount ay PHP 30,000 ang origination fee ay PHP 900.00.
  • Paano ko makukuha yung amount na hinihingi ko?
    • Para sa hassle-free experience, rineremit namin ang amount diretso sa school. Makakakuha kayo ng SMS update kapag successful na ang pag-transfer ng amount
  • Kelan ko sisimulan ang pagbabayad sa Bukas?
    • 30 na araw pagkatapos namin nadeposit ang amount sa school. Ito rin ang agreement date na nakalagay sa iyong kontrata.
  • Paano kung late ang payment ko?
    • Magkakaroon kayo ng late payment fee. 5% siya ng total amount unpaid ng iyong scheduled monthly installment
  • Paano kung nagbayad lang ako ng partial amount?
    • Kung nagbayad lang kayo ng partial payment, makakakuha ka pa rin ng 5% late fee base sa remaining balance na overdue
  • Nagbayad na ako ng aking monthly due pero wala pa rin akong confirmation. Saan ako magchecheck kung na-update na balance ko?
    • Pagkatapos mong magbayad, maghintay l ang ng 1-2 business days para magreflect yung payment online. Puwede kayong mag login sa iyong Bukas account para makita yung current balance ng iyong installment plan. I-click ang "Payment Schedule" para makita ang iyong monthly breakdown ng iyong payments.
  • Puwede bang magbayad ng mas maaga at matapos ang installment plan bago matapos ang isang taon?
    • Puwede kayong magbayad nang maaga. Kung kaya niyong bayaran ang total principal bago matapos ang isang tao, puwede kayong magavail ng recomputation ng interest. Puwede kayong magemail ng request sa info@bukas.ph